San Gabriel, La Union
Pinoy Ako Organization at Boss Toyo, Naghatid ng Libreng Medical Mission sa San Gabriel, La Union
Ang Pinoy Ako Organization katuwang si Boss Toyo ay matagumpay na nagsagawa ng Libreng Medical Mission para sa mga residente ng San Gabriel, La Union. Layunin ng misyong ito na maabot at matulungan ang mga komunidad na nangangailangan ng serbisyong medikal.
Ang mga residente ay nabigyan ng libreng konsultasyon, mga gamot, at kagamitang medikal tulad ng mga wheelchair, saklay, at tungkod, na buong galak na tinanggap ng komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat kay Hon. Mayor Lany Carbonell sa kanyang patuloy na suporta upang maisakatuparan ang misyong ito.
Sama-sama tayong maghatid ng pag-asa at tulong sa mga nangangailangan!