Ang aming Adbokasiya
Ang aming Adbokasiya
Ang Pinoy Ako Party-list ay para sa bawat Pilipinong nangangarap ng pagkakapantay-pantay, isang adhikain na nagsisimula sa ating mga katutubo at yumayakap sa lahat ng sektor ng lipunan. Naniniwala ang Pinoy Ako na ang bawat isa ay may karapatang magkaroon ng pagkakakilanlan at pantay na oportunidad sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. Sa Pinoy Ako, walang maiiwan!
Sama-sama nating abutin ang isang maunlad, makatarungan, at pantay na lipunan.
Ang aming Hangarin
Ang Pinoy Ako ay isang party-list na itinatag upang isulong at ipagtanggol angmga karapatan at kapakanan ng ating mga katutubong kababayan. Ngunit sa pagusad ng panahon, napansin natin na ang isyu ng hindi pagkakapantay-pantay ay hindi lamang nakakaapekto sa mga katutubo, kundi pati na rin sa iba’t ibang sector ng ating lipunan saanman sa bansa.
Dahil dito, pinalawak namin ang aming adbokasiya upang masusing tugunan ang mga suliranin ng diskriminasyon at hindi patas na pagtrato—hindi lamang para sa mga katutubo, kundi para sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang sektor o katayuan sa buhay. Layunin ng Pinoy Ako na maging boses ng bawat Pilipinong nakararanas ng kawalan ng katarungan at itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng bahagi ng ating lipunan lalo na pagdating sa serbisyong pang-edukasyon, pangkalusugan, at pangkabuhayan.
Ang mga Katutubo, tulad nating lahat, ay hindi lamang mga pansamantalang benepisyaryo ng isang Proyektong Pang-Kawanggawa sapagkat sila ay mga taong may sariling karapatan at dignidad. Kailangan nila ng boses at isang malinaw na representasyon sa Kongreso na tunay na makakaunawa sa kanilang mga pangangailangan, at sa huli, makakatulong sa kanilang pagkamit ng karapatan sa sariling pagpapasya.
Kami ay naniniwala na ang bawat Pilipino ay may karapatang mapakinggan, maprotektahan, at mabigyan ng pantay na oportunidad. Sa Pinoy Ako, walang maiiwan! Sama-sama nating isusulong ang ating mga karapatan para sa isang makatarungan at pantay na lipunan.
Ang aming misyon ay ipaglaban ang mga karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ang mga Katutubo, na may pokus sa:
PRESERBASYON NG KULTURA
(CULTURAL PRESERVATION)
Pagprotekta at pagtataguyod ng mayamang pamana ng iba't ibang katutubong kultura sa buong Pilipinas.
KARAPATAN SA LUPA
(LAND RIGHTS)
Pagtataguyod ng tamang pagmamay-ari at pangangalaga ng mga lupang ninuno.
EDUKASYON
(EDUCATION)
Pagsisiguro na ang mga Katutubo ay magkakaroon ng akses sa de-kalidad na edukasyon.
MALINIS NA TUBIG
(CLEAN WATER)
Pagbibigay ng akses sa ligtas at malinis na tubig para sa bawat komunidad ng mga Katutubo.
PAGPAPANATILI NG KABUHAYAN
(LIVELIHOOD SUSTAINABILITY)
Pagsuporta sa pangmatagalang kabuhayan ng mga Katutubo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kanilang mga lokal na produkto.
PRESERBASYON NG KAPALIGIRAN
(ENVIRONMENTAL PRESERVATION)
Pagtatalaga sa proteksyon at pangangalaga ng likas na kapaligiran ng mga lupang ninuno ng mga Katutubo.
SERBISYONG PANGKALUSUGAN
(HEALTHCARE SERVICES)
Pagsisiguro na ang lahat ng Katutubo ay may akses sa mahalagang serbisyong pangkalusugan.
KARAPATANG PANTAO
(HUMAN RIGHTS)
Pagtindig laban sa diskriminasyon at pagtataguyod ng karapatang pantao ng bawat Katutubo.
PROYEKTO SA PABAHAY
(HOUSING PROJECTS)
Pagtulong sa pagpapaunlad ng abot-kayang pabahay para sa lahat ng Katutubo.
Ang Pinoy Ako Party-list ay naglalayong lumikha ng isang lipunan kung saan bawat Pilipino, anuman ang pinagmulan, ay may pantay na karapatan at pagkakapantay-pantay. Nagsisimula sa ating mga katutubo, hinahangad naming yakapin at itaguyod ang bawat sektor ng lipunan. Naniniwala kami na ang bawat isa ay may karapatang makilala at magkaroon ng pantay na oportunidad sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.
Sama-sama nating abutin ang isang maunlad, makatarungan, at pantay na lipunan kung saan walang maiiwan.